Filtered By: Showbiz
Showbiz

May pag-asa ba si Alden kung manligaw ng totohanan? Watch Maine's answer




Naganap ang kauna-unahang fan sign interview sa Kapuso network ngayong Sabado sa entertainment talk show na 'CelebriTV' kung saan nakapanayam ni Ricky Lo ang Dubsmash Queen at Kalyeserye sweetheart na si Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Sa isang bahagi ng panayam, inamin ni Maine na malaki ang nagbago mula nang maging ganap na phenomenon ang AlDub love team sa loob man o labas ng bansa.

Sagot ng dalaga sa tanong ni Ricky, "Malaki po ang nagbago. Siyempre, ang privacy."

Gayunpaman, sinabi ng itinuturing na fastest-rising star na hindi niya pa rin nararamdaman ang sinasabi ng karamihan na labis at mabilis niyang pagsikat.

Para kay Maine, masaya lang daw siya dahil natupad na ang pangarap niyang maging isang artista.

Nang mapunta naman ang usapan sa kaniyang ka-love team at Pambansang Bae na si Alden Richards, "no comment" daw si Maine sa tunay niyang nararamdaman para sa binata.

Aminado naman siya na ilan sa mga nagustuhan niya kay Alden ang mga mata nito at ang pagiging gentleman nito nang una silang nagkita noong nakaraang linggo sa isang episode ng Kalyeserye sa noontime show na Eat Bulaga.

Doon daw ay may naramdaman siya. Aniya, “Kilig, syempre.”

Binigyan niya pa ng kahulugan ang mga letra sa pangalan ng Kapuso heartthrob.



Nang sabihin ni Maine na single rin siya gaya ni Alden, naitanong naman siya sa mga kondisyong nais niyang ibigay sa binata sakaling manligaw talaga ito sa kaniya.

Ayon sa dalaga, "Magpaalam lang po siya sa parents ko."

At nang tanungin kung may pag-asa ba si Alden sa kaniya, ang sagot ni Maine, “Di po natin masasabi. Posible naman po.” -- Bianca Rose Dabu/JST, GMA News