^

Probinsiya

Adik na-overdose sa shabu, dedo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang na-overdose sa shabu ang 48-anyos na mister kaya ito namatay sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Gregoria De Jesus sa bayan ng General Mariano, Cavite kahapon ng umaga. Bandang alas-9:30 ng umaga nang madiskubre ng kapitbahay ang katawan ni Ramonito Sucaldito ng  Lower Moonlight, Phase 1 sa nasabing barangay. Huling namataang buhay ang biktima na nakatulala sa barandilya ng kanyang bahay kung saan sinasabing malimit gumamit ng droga. Narekober ng pulisya sa loob ng  kuwarto ng biktima ang isang plastic sachet na may shabu, improvised tooter, aluminum foil, at heater pan. May teorya ang pulisya na nasobrahan sa shabu ang biktima bukod sa mga karamdaman nitong taglay.

vuukle comment

CAVITE

OVERDOSE SA SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with