Duterte: Binastos tayo ng US sa pagtangay ng terorista pabalik ng Amerika

By Kabie Aenlle, Rachel Cabrera October 22, 2016 - 05:02 AM

duterte-ap-0907Kabastusan ang ginawa ng Estados Unidos sa Pilipinas nang tangayin nito pabalik sa kanilang bansa ang isang Amerikanong suspek sa pambobomba noong 2002.

Ang tinutukoy ni Pangulong Duterte ay ang pag-kuha ng mga tauhan ng US Embassy sa bombing suspect na si Michael Terrence Meiring mula sa isang ospital sa Davao City at inilabas ng bansa.

Si Michael Terrence Meiring ay nakasuhan noon ng ‘possession of explosives’, na dinala sa ospital matapos ang pagpapasabog sa Evergreen Hotel sa Davao, ngunit nakalabas rin ito ng bansa.

Si Duterte pa noon ang alkalde ng Davao City nang mangyari ang insidente.

Kinuha ng US Embasy Officials ang kustodiya ni Meiring at ipinaliwanag na ang suspek ay dadalhin lamang sa Makati Medical Center para sa pagpapagamot nito, ngunit inilipad nap ala siya ng mga US Officials patungong Singapore at America.

Ani pa ng pangulo, nananatiling misteryo pa rin ang pangyayari dahil hanggang ngayon ay wala pa ring ibinibigay na paliwanag ang Amerika hinggil dito.

Nagnako pa aniya ang US na gagawa sila ng masusing imbestigasyon kaugnay nito ngunit hanggang ngayon ay wala pang natatanggap ang Pangulo kahit na note man lang.

Ang hakbang aniya na ginawa ng Amerika ay maituturing na kawalan ng respeto sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.