^

PSN Palaro

UAAP football title nakataya sa laban ng FEU-Ateneo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

 Laro Ngayon (Rizal Memorial Stadium)

3 p.m.  ADMU vs FEU (Men’s Finals)

6 p.m.  DLSU vs UST (Women’s Finals)

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Ateneo  at Far Eastern University ang kampeonato sa pag­larga ng UAAP Season 79 men’s football cham­pionship ngayong hapon sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Magbabakbakan ang Blue Eagles at Tamaraws sa alas-3  ng hapon habang pakay naman ng La Salle na makumpleto ang matamis na sweep sa  pagharap nito laban sa University of Santo Tomas sa women’s championship game sa alas-6 ng gabi.

Naisakatuparan ng Tamaraws ang inaasam  na pagbabalik sa finals ga­mit ang epektibong sistema ni coach Vince Santos.

Kaya naman nais ng FEU na huwag nang pa­lampasin pa ang pagkakataong  ito  upang maibalik sa kanilang teritoryo ang korona.

Sa semifinals, pinataob ng Ateneo ang University of Santo Tomas, 2-1 habang namayani naman ang FEU sa University of the Philippines sa bisa ng parehong iskor upang hubaran ng korona ang Fighting Maroons.

“Yun ang mga team na hindi mo sila dapat i-underestimate sa UAAP. Marami silang key players,” ani Eagles coach JP Merida patungkol sa Tamaraws.

Pakay ng Tamaraws na makuha ang ika-11 titulo sa liga kung saan sasandalan nito si graduating skipper Paolo Bugas kasama sina goalscorers Rico Andes, Alex Rayos, Audie Menzie, Val Jurao at keeper Ray Joyel.

Sa kabilang banda, ang Ateneo ay nagnanais mahablot ang ikapitong kampeonato.

vuukle comment

FOOTBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with