Veteran actress Lucita Soriano pumanaw na, 74 | Bandera

Veteran actress Lucita Soriano pumanaw na, 74

Ervin Santiago |July 10,2015
facebook
share this

Veteran actress Lucita Soriano pumanaw na, 74

Ervin Santiago - July 10, 2015 - 03:00 AM

LUCITA SORIANO

LUCITA SORIANO

PUMANAW na ang veteran actress na si Lucita Soriano sa edad na 74.

Kinumpirma ng kanyang anak na si Garry Clint Adriano Garcia, ang pagkamatay ng aktres sa pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa post ni Garry, sumakabilang-buhay ang kanyang ina habang naka-confine sa Pacific Global Medical Center. Ilang araw ding nasa ICU ang veteran actress bago tuluyang namaalam dahil sa cardiorespiratory arrest and renal failure.

Si Lucita ay dating asawa ng character actor na si Rodolfo “Boy” Garcia na namatay naman noong 1998. Taong 2009, muli siyang nakapag-asawa ng isang US retired engineer na si Michael Mayr.

Nakilala si Lucita Soriano bilang magaling na character actress sa local showbiz. Napanood siya sa ilang sexy films noong dekada 70. Halos limang dekada rin siyang naging artista at lumabas sa mahigit 200 pelikula at TV shows, kabilang na riyan ang original version ng Pangako Sa ‘Yo nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

Sabi ng kanyang anak na si Garry, may plano pa sana silang bigyan ng bonggang birthday celebration ang veteran actress sa July 14 dahil nga 75 years old na ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending