Filtered By: Showbiz
Showbiz

How Yaya Dub made 7-year-old girl's birthday wish come true


Tinanggap ng mga bumubuo ng Kalyeserye sa noontime show na Eat Bulaga ang Catholic Social Media achievement award nitong Linggo. Kabilang sa mga awardee ang Kalyeserye sweetheart at Dubsmash Queen na si Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub pati na si Wally Bayola a.k.a Lola Nidora.
 
Bago nila matanggap ang parangal, hindi pinalampas ni Yaya Dub ang pagkakataon na makapagpasaya ng isang batang nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.
 
Ayon sa CBCP News, hiling raw ng bata para sa kaniyang birthday ang makita sa personal ang dalaga.
 
Sabi ni Mckaila Zyrel De Vera sa liham na nakita ng kaniyang ina, "Dear Papa Jesus, Hello po! Malapit na po 7th birthday ko. Wish ko po sana makita si Ate Yaya Dub kaya lang imposible kasi sikat na sikat na siya saka sobrang busy. Papa Jesus, I know it’s not impossible but I believe that wishes do come true."
 
 
Agad itong ipinarating ng kaniyang ina sa CBCP, at kasabay nga ng 4th Catholic Social Media Awards nitong Linggo, agad pinuntahan ni Yaya Dub si Mckaila, na pitong taong gulang na ngayong Martes.
 
Tumanggap ng pagkilala ang Kalyeserye at ilan sa mga bida nito dahil sa inspirational message na nabibigay nito sa mga manonood patungkol sa “virtues, values, chivalry, modesty, morality, respect for elders,” at marami pang iba. —Bianca Rose Dabu/JST, GMA News